Kasabay ng napakalamig na panahon sa pagpasok ng taong 2011 ay ganoon din kalamig sa aking personal na pag-ibig. Sa dalawang beses na nagpakatanga ako ng tunay pero hindi naging happy ending ay masasabi kong isang pelikula na kung saan ang bida nasaktan at muling bumangon. Ang pagmamahal sa iyong nagugustuhan ang isa sa pinakamahirap at pinakamasayang parte sa buhay ng tao pero bago ka dumaan sa mga iyon hindi ba single ka muna?
Napag-isip isip ko na sa panahon ngayon, napakadami na ang single sa mundo? Itinatanong ko minsan sa isip ko, ano kaya ang dahilan? career? ayaw lang? pihikan? takot? or talagang walang dumarating?
Ang hirap pumasok sa isang relasyon lalo na kung hindi pa dapat at hindi ka pa handa dahil kapag nakapasok ka na, oras at panahon mo mahahati. Iyong mga karamihan na nagagawa mo habang single ka pa, halos hindi mo na nagagawa. Chill ka lang muna. Relax. Darating din tayo doon.
Siguro, nasasabi ko lahat ito dahil hindi naging maganda ang resulta noong una kong naging ka-relasyon noong September 2008 na tumagal lang ng 30 days na hindi man lang alam ng Dad, Mom, at Brother ko at hanggang ngayon hindi pa siya nasusundan pero wala akong naramdaman na kahit anong pagmamahal sa kanya.
Iyong tipong iniisip ko siya at nagaalala ako sa kanya, hindi ko naramdaman iyon marahil kaya ako pumasok dahil gusto ko lang masabi sa ibang tao na meron ako.
Kung naging totoo lang si Doraemon, kukuha ako ng gamit sa bulsa niya ng time machine na pwede akong bumalik sa nakaraan at itama lahat ng pagkakamali.
Ngayong 2011, masaya ako kahit walang kasama sa kama este sa ngayon na karelasyon dahil wala akong iniimagine tuwing gabi. Wala akong nilalagyan ng plastic bag sa ulo at kapag hindi na nakahinga, tatanggalin ko at sasabihing “I love you”. Sweet hindi ba?
Hintayin na lang natin humupa itong sawi’t nanlalamig na mga puso natin sa darating na araw ng mga puso at gawin nalang nating ordinaryong araw habang nakakakita sa ating mga paligid ng mga nagchuchuk-chak na mag-jowa.
Hindi ako naniniwala halos sa kasabihang, “True Love Waits” dahil kung naghihintay ka, paano kung hindi dumating kahit “Patience is a Virtue” ka pa? I just want to share my principle in love, “Don’t wait for it, look for it and when you find it, work on it." Sana, ngayong darating na araw ng mga puso sa ating mga bulok na gulay, maibsan ang inyong tigang na nararamdaman ng kasiyahan ngayong malamig na simoy ng hangin. Ano ginagawa ng internet? Spread the love and lust. Sa pagtatapos ng iyong pagbabasa, may itatanong ako sa iyo, STATUS: SINGLE ka pa rin ba?
oo, STATUS SINGLE pa rin ako. hindi naman yun magbabago matapos kong mabasa ang post na ito.
ReplyDeletebatid, tayo lamang ang gumagawa ng mga imahinasyong kailangang may karelasyon dapat sa araw o buwan ng mga puso.
BULLSHIT THAT MUCH THE CREATOR OF VALENTINE'S DAY!
kung mamarapatin lamang ay sinaksak ko na siya ng arrow sa puso niya, kasama pa yung bow ni que se jodang si kupido.
kung kaya't dahil ang lahat ng ito ay kathang tao lamang, isang pagkukunwari rin ang pagpupumilit sa ating mga sarili na dapat ay may kahawak kamay o katext ng "i love you, mwahugslurp!" o katabi sa pagtulog ngayong araw ng mga putang inang puso.
samakatwid, pinili nila na maging taken sa mga panahong ito, at pinili rin nating maging singol mula't sapul.
ika nga ni zenaida zebah, "mayroon tayong free will, gamitin natin ito."
dagdag ko naman, "oo nga't mayroon kang free will, wag mong abusuhin. kase, bawal manigarilyo dito; ihi piso; tae dos; ligo limang piso."
Hindi na ako single. Masaya ang buhay pag-ibig ko. Read mo blog ko titled "The One I Love".
ReplyDeleteKung masaya man ang taong nasa isang relationship, hindi ibig sabihin malungkot na ang taong walang karelasyon. Hindi naman pag-ibig sa opposite sex ang sukatan ng kaligayahan. Para sa aking, maligaya ang taong mahal at minamahal ng kanyang pamilya at mga kaibigan.